Monday, June 15, 2009

I NEED to go to SCHOOL!!

Sabi nga ni B sa Plurk nya kanina, bukas may pasok na. Nag-react ako kasi akala ko Linggo pa rin. Tapos nang mapatingin ako sa YM at sa message ni JM, ayun. Alas dose pasado na nga. At bukas nga, papasok na rin kami. Hinding-hindi na ko makapaghintay. Ano nga bang meron sa sem na to at sobra ang excitement level ko? Biruin mo katatapos lang halos ng Summer classes. Sabagay, maaari ngang inubos ko na ang “sense and feeling” ng summer break dun sa 4-day getaway ko sa labas ng Pinas. Kaya pagkatapos ng paguran doon e heto ako’t nagdedemmand na mag-enrollment na at ngayon nga, mag-klase na.

Kung hindi ba naman kasi dumating at napalaganap yang A(H1N1) na lintik na yan e hindi naman magiging atrasado ang pasukan (hence, pati Sembreak nadedelikadong maatras). Naiinis pa rin ako sa fact na dumating ang pandemic na yon. Panira ng matiwasay na AY 09-10. Pampasira ng Acad Calendar. Di ko pa rin nababalitaan kung ano na ang bagong Acad Calendar. Baka maging kalunos-lunos na ang schedule ng buong UP system. Hindi yon mapipigilan. Haay, ang sarap mag ‘haay’. Di ko na rin alam kung pano makatulog dahil sa excitement ko bukas.

Sawang-sawa na ko sa kaka- MfW, kaka-Plurk, kaka-FB, kaka-FS, kaka-YM, kaka-marathon, kaka-sine, kaka-nood ng TV, kaka-record ng palabas at lahat na ng ‘kakang’ nagagawa mo lang nang matagal na matagal kapag bakasyon o holiday. Inip na inip na ko, parang kahit anong gawin ko e ayoko na ng bakasyon. Nakakasawa na lahat nito kasi less effort. Wala kang ginagawa kundi magpaka-slacker sa harapan ng laptop at magsabi ng walang kapararakan. Buti pa sa eskwelahan, umupo ka lang sa classroom ng isang oras at kalahati, panigurado may papasok sa utak mo kahit kaunti. E sa FB at kung saan pa, wala kang pinagpipistahan kundi ang mga wall posts ng kaibigan at hindi mo kilala, ang mga quizzes na puro kasinungalingan o hula o tsambang tugma sa iyo, at mga litratong ang sarap komentan pero wala kang magawa kaya mo nilagyan ng comment. Kung ganito lang nang ganito ang lagay, walang papasok sa kukote ko kundi mga bagay na hindi naman ako posibleng matutulungan sa magiging trabaho ko o buhay pagkatapos ng kolehiyo.

Naiinggit ako sa mga may pasok na mamaya. Makikita na nila ang mga college friends at professors nila. Makakapagchikahan na nang bonggang-bongga. Makakasilay na sa dapat sinisilayan. Magkakaroon na ng allowance…

Di bale, bukas, ako rin. :)

 

countdown: 30 hours, 5 minutes and something seconds.

No comments:

Post a Comment