Tuesday, October 16, 2007

A Nice Day!

こんにちは! OK, So nagstart ang maganda kong araw sa favorite show ko ever na Mirumo de Pon!. Grabe ang saya ng episode, parang may hint na si Setsu ay may feelings kay Kaede.



Tapos NAHANAP ko na ang SETSU KO. Hehe. Ang saya! HAha! Ang dapat ko nalang gawin ay...





MAGTAPAT! Haha! Kaso pano? Eeeeee?!





シ ヴィンセント ユン!





Thursday, October 11, 2007

ありがとう ございました!

ポオスト に 晩:私 の 友達、C-ちゃん は。。。

ありがとう!

Tuesday, October 9, 2007

HAPON

こんにちは みんな-さん! これ は 私 の ブログ です。

タガログ モウド ナァング。 マス マダリ カシ パグ タガログ パパノ パラング ジャパニス ラング。 ンガパラ、 エウシャム コ ンガヨン サ パン ピル 12. ハハ!

ソ アイ ガタ ゴ ナウ! じゃー ね!

Friday, October 5, 2007

Sem break has finally come!

Finally, after ilang months ng paghihirap (at paglalakwatsa) ay tapos na ang 1st semester. Mamimiss ko ang UPD campus, at ibig sabihin nito... GALA time nanaman! Mas masaya na ngayon kasi yung mga kaibigan ko sa ibang school mkakasama ko na. Ayos din naman ung UPD friends ko pero wla paring tatalo sa orig kong barkada.



Makakapag DVD marathon nanaman ako, makakapagbabad sa TV, internet, YM lahat na yata! Mas mahaba na rin ang tulog ko. Ang mas masaya sa lahat ay NABILI NA ANG BEST BIRTHDAY PRESENT FOR ME SO FAR!



Ano pa nga ba yun edi isang brand new Laptop with SUPER NICE specs, grabe andito na lahat... na matagal nang nasa wishlist ko. Isang item nbalang ang natitira sa wishlist ko at yon ay ang kotse. HAHA! Di pa nga ako marunong magdrive e!



Basta happing happy ako, SUPER!





Yun muna for now. :)

Monday, September 10, 2007

After 10 LONG YEARS?!

Hay Naku!



Sa itinagal-tagal ng panahon e ngayon ko lang na-update ang Blog kong wala namang kapararakan. A ewan basta salamat nalang ke BOB ONG at na-inspire akong mag-share ulit ng mga kung anu-anong ka-ek-ekang sa kabutihang palad e DI PARIN ALAM NG MAGULANG KO (nga ba?).



Ang daming CATEGORIES nito no? Ganyan talaga. Miss na miss ko nang magsulat este magtype. Matagal na kong di nakakapagtype ng fanfiction, aba e niliparan na ako papalayo ng mga ideyang dati-rati'y nandian lang sa tabi-tabi. Unahin na muna natin ang nangyayari sakin ngayon...



Nandito ako sa COMPASS INTERNET ng Robinsons Galleria. Nakakapagtaka para sa isang estudyanteng katulad ko na 7:00 AM to 4:00 PM ang klase na mamataan dito. Siyempre, di parin ako nagbabago (wala kasi to sa New Year's Resolution ko) sa HOBBY ko na mag-CUTTING CLASSES. Kung dati'y dun lang ako sa UP Diliman Shopping Center, e ngayon nakalayu-layo na ako. (ASENSO!)



Ang mahal ng one-hour net fee kumpara sa ibinabayad ko sa Net Coop. Bente lang don. Dito e 50.00 na tumataginting sa isang oras. Kasi naman dito ko pa naisip mag-net no, ang layo! Ngapala ang unang dahilan kung bat ko naisipang FINALLY mag-cut ng class sa MALL ay dahil lang sa CRAVING ko sa SUSHI. Di ko kasi gaanong trip ang Japanese Chibog dun sa SC kaya naman dinayo ko ang Tokyo DOS ng Rob para lang dito. (One way ride kasing mabilis papunta sa mall na to at pauwi sa bahay kaya dito ako no)



Hayan. Napunta narin naman tayo sa usapin ng pagkain e mamaya na muna ang tungkol sa libro. Kumain ako ngayon sa Greenwich, lasagna lang at manok pati yung garlic stix. Tapos Coke Light. Dagdagan mo pa ng SURVEY FORM (ngek chibog ba yon?!). Namataan ko ang BEST SELLERS (bookstore na affiliated yata sa NBS). Ayos! Magawa ngang library ito!



Di nagtagal napadpad ako sa comics section, sa teen books, sa references, magazines, paperbacks, fiction pati sa section tungkol sa RELATIONSHIPS! (Nyaaay) Anyway, nakapagbasa din ako ng MAKING OUT books in Japanese, Korean, Chinese and Filipino. Grabe kakatawa! Me CURSES AND INSULTS section kasi. Sayang di ko natandaan yung mura ng intsik at hapon at koreano. Dibale, bibili ako nun.



Dalawang palapag yon. Umakyat ako at puro noypi books naman. Dun ko na nakasagupa ang mga kamangha-manghang libro ni BOB ONG na sobrang ENLIGHTENING. Napabili tuloy ako. Hahaha. Akala ko katapusan ko na at wala na kong pang meryenda. Di pa pala.



Di kalayuan sa Best Sellers ay ang Starbucks. Ayos. Dito na ako magbabasa ng bagong librong nabili ko. Umorder ako ng Frappuccino Doublechoc_frap tapos dali-dali kong binuksan yung package at presto! Basa na ako. At ano pa nga bang aasahan mo edi tawa ako nang tawa (di naman kalakasan) na sa puntong LITERAL na nasamid ako.



Sa inihaba ng post ko ngayon, oras na para manood ng kahit ano sa crunchyroll veoh o sa naunang youtube. Bahala na. Adieu!

Monday, March 5, 2007

Net net net sa SC

Hehe...

Andito ako ngaun sa SARINTH ENTERPRISES, stall # 44 UP Shopping Center, UP Diliman QC.
[complete mode care of the sign]

Walang Math kanina. Naghintay lang kami sa wala. Tapos ngaun, eto ako sa Shopping Center, nagbabalak na gumawa ng paper sa Kas 1 at paper din sa English 10. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaay. Nakakatamad man, dapat ausin ko na ung mga paper ko. Tutal, patapos naman na ang sem. Hehehe. Tapos magsusummer ako. O diba? Sipag ba un? Hindi naman. Palagi rin kasi akong walang ginagawa pag summer, dagdag ingay pa sa bahay at dagdag kalat parin pag nandun ako ng whole duration ng summer.

Anyway, going back sa initial topic ko, ang tahimik dito. Oh yeah. Hehehe...


Sige magddl pa ako ng mga mp3 files kong nakapending jan sa virtual drive ko. Ja ne!

Monday, February 19, 2007

Kas 1, Nakakatuwa!

Grabe ang saya sa Kas 1 class! (Kas 1 meaning Kasaysayan 1: Philippine History)

Hehe, kanina kaya ang saya ng happenings, kami yung reporters tapos may role-play/ skit kami. Then bago pala yun, kumanta kami nung mga kinompose ko na songs para sa Kas 1. Bale ung songs based sa kanta ni Yeng Constantino na "Hawak Kamay" then ung isa pa yung "Harana" by Parokya ni Edgar.

Astig nga e tungkol sa mga HUKBALAHAP (Btw, di ako kasali jan kasi I'm currently under the Japanese occupation wahahaha!) at anti-'Kano naman ung isa. Masaya talaga ako habang nagrereport. :D

Anyway, medyo may kasalanan ako since di ko inexpound yung Chapter 23 of Teodoro Agoncillo's book na "The History of the Filipino People".

Wow, improving ako kasi may post na akong ALL ABOUT SCHOOL. Hehe.

Till next post! (i-post ko yung lyrics na inimbento ko later)