Campaign period nanaman. Samu’t-saring kulay nanaman ang bumabandera sa Diliman campus. Sa college palang namin ramdam na ramdam na ang botohan. Kesyo campaign dito sa isang klase at campaign din dito sa susunod. Buong araw yan. May mga prof na ayaw pumayag, may mga okay naman at makikinig rin. Kanya-kanya sila ng stand sa Referendum last time, sa Charter, sa walang-kamatayang Tofi issue, sa Ayala Technohub, at yung kanina, grabe. Personalan na yata.
Nangampanya yung isang party sa 121 class namin, at kaklase namin yung isang kumakandidatong NCPAG Rep. Ginisa siya nung mga kaklase ko sa harap ko nakaupo. As in todo tanong. Yung isa super irrelevant. Tanungin ba naman yung issue ng bansa, e USC lang naman ang botohan! Ngek. Pinagbigyan nalang. Tapos yung isa naman, ginisa yung kaklase naming tumatakbo tungkol sa mga hindi nya ginawa sa org nila (sa college namin). Tumatakbo rin siya e. Bale personalan na talaga, tinitira nya nang tinitira tapos parang pinamumukha nya na walang kwenta yung taong yon. Kesyo walang nagawa para sa org. Wahaha. Sus, buti inawat nung katabi ko. Hehe.
Pagkatapos ng campaign, si ma’am naman nagsalita. Alam mo, parang talagang tinamaan din ako sa mga pahayag nya. I mean, may point talaga na di dapat kami sabi nang sabi na ibaba ang tuition or ilibre nalang. Subsidized na nga kami e. Okay narin naman ang facilities ng Diliman, pero walang-wala nga kung ikukumpara sa Ateneo. Hmn, kasi sila nga raw ay nagbabayad ng buo. E kami? Kakarampot na 6 thou lang (minimum). Karamihan pa saming mga upperclassmen yun nga ang bayad (naglalaro sa 6-7 thou). Tapos kami pa tong sigaw nang sigaw na wag ipatupad ang Tofi o ayusin ang STFAP. True naman na hindi talaga right ang tertiary education, at privilege lang ang makapag-aral sa State U like UP. If we really want improvements, dapat nga siguro mataas-taas ang tuition. With high tuition, you could really get quality education. Kaya tama talaga yung point ni ma’am.
Bukas, ayokong magsuot ng pula, asul, o dilaw. Masyado nang color-coded ang campus. Kaya nga these past few days I wear white, cream, or brown. Para acting neutral. Well wala naman talaga akong side. Basta, kung sino ang magaling mangampanya at makilala ko before Feb 25 (election day) e yun maiki-click ko ang name. Computerized registration na ang lahat. Sana mabilis na rin ang canvassing at maayos na talaga.
No comments:
Post a Comment