Saturday, February 28, 2009

Mobile Phone

Pagkatapos ng 141, bumaba kaming tatlo. Naupo sa may gilid ng lobby. Walang silya. Pinagpilian na ang mga topic sa term paper. Nagmamadali si Karl kaya minadali namin. Tinanong nya kung ano number ni Karl, tapos itinuro naman niya ako. Edi naisip kong hanapin na sa mobile ko yung number.

Naglakad na kami papuntang cafeteria. Nakita ko na. Edi inabot ko sa kanya para kopyahin nya. Sabi ko, bilis-bilisan naman nya. Aba, at lalo namang binagalan! Sabi ko, nananadya ka yata e. Tapos sabi nya, ay mali na tuloy dapat ko nang uliting kopyahin. Naglakad ako ng pabaliktad hanggang narating namin yung back exit. Tapos nawala na sa isip ko yung mobile.

Bumili na kami ng makakain. Baked mac. Nakakuha na ko ng yelo para sa C2 apple kong boring kasi di na malamig. Bumalik ako sa mesa namin sa labas, inagawan ko siya ng silya. Naupo kami. Kumain. Patapos na siya at kinukulit ko sya tungkol sa mobile ko. Sabi nya, binigay ko na sayo. Ganun nang ganun ang sagot nya. Nainis ako. Siyempre, ginamitan ko ng death glare. Sabi ko, wala ako sa mood makipaglokohan ngayon. Alam ko nasayo pa yun. Ipinilit nyang wala parin. Tapos nauwi sa ano raw ba makukuha nya pag inagaw at di nya ibalik yon sakin. Sagot ko, pwede mo kong i-blackmail. Sabi nya, ano rin maidudulot ng blackmailing nya sakin. Sagot ko naman, marami. Tumahimik kaming parehas habang ipinapakita ko paring naiinis ako (kahit di naman gaano). Sabi ko, ibalik mo na. Sagot nya, make me. Tapos dagdag nya, may extra akong damit, kahit ibuhos mo yang pasta sakin. Sabi ko, gusto mo ng away? I don’t mind ang sagot nya. Ah ganun, sabi ko naman tapos tiningnan ko nanaman siya nang masama.

Pagkatapos ng kung anu-anong mga sinabi pa ay hinugot na nya sa bulsa nya at sabi nya, sige na nga. Inaabot nya sakin. Sabi ko na parang nag-uutos, ilapag mo. Ayaw niya. Tinuktok ko yung mesa. Ibaba mo rito, inulit ko. Ayaw nya. Tinuloy ko pagkain ko, at sinabi kong mangangalay siya. Ayos lang daw, kaliwang kamay naman daw gagamitin nya. Hindi na ko sumagot, tinapos ko na yung pasta. Inexplore nya yung cel at may mga password nga sa files. Tinanong nya skin yung password. Ayokong ibigay. SIyempre no. Tapos kinuhanan nya ko ng litratong panakaw. Haha. Nalinlang ako dun a. Tapos kinuha ko na.

Pinuna nya yung pic ko sa harap. Kala nya naging boyfriend ko rin yung kapatid ng best friend ko. Sabi ko naman, bata yan hamak no. Sagot nya, e mukha kayong high school dito. Sabi ko, last sem lang kaya yan! Di siya naniniwala, at mukha raw talaga akong high school don. Tapos sabi ko akala ko ba maaga kang aalis ngayon. E hayaan ko na raw yun. May klase ako, kaya tumayo na ako. Sumunod siya at lumabas na kami, habang nagkwentuhan nanaman ng kung anu-ano.

Ang labo niya, pero kaya ko pala siyang takutin… nang konti. Haha. Nakakatakot ba ko? Di kaya. :)

1 comment:

  1. Matchless topic, it is interesting to me)))) What phrase... super, a brilliant idea It is a pity, that now I can not express - I hurry up on job. I will return - I will necessarily express the opinion on this question. What remarkable question Effectively?
    Coby TFTV3217 32-Inch Widescreen TFT LCD 720p HDTV/Monitor ( Black)

    diprimaok

    ReplyDelete