Monday, February 2, 2009

Multiple Choice

Ang life, maraming choices. Araw-araw meron, at madalas, problema sakin ang pagpili. Halimbawa, kagigising ko palang tanong kagad ang bubungad sakin: “Anong ulam gusto mo?”, siyempre mapapaisip ako nang malalim don.

Napakaraming dapat piliin. HIndi lang ulam ang tinutukoy ko. Kahit yung akala mong simpleng bagay, pero hindi naman pala. Kunyari yung bangs ko. Saang direksyon ko hahawiin? Kaliwa o kanan? San ba mas bagay? Kung kasing conscious mo ako sa pagpili, makakarelate ka. Tsaka, diba ang tao gahaman at gusto palagi yung nakakabenefit sa kanya? Aminin na natin. Kung hindi tayo sobrang mapili, lahat naman gusto nating mapasaatin.  Forever dilemma na yata yan ng tao.

Kahit siguro sa pagkagusto sa isang lalaki ganun din ang problema. Okay. So meron kang gusto, at me dumating na isa pa, tapos nung na-test run mo na yung pangalawa, okay naman pero talagang gusto mo yung hindi mo pa nahahawakan. Hmn. Let’s say prdukto sila. Ah, cellphone. Ihalintulad natin sa cellphone. Gusto mong bilhin ang N series, pero bigla dumating ang mas bagong Nokia phone dun. Tapos bigla pag dadating ang iPhone 3G. Maloloka ka na sa kapipili, pero nagamit mo na yung mas bago sa N series. Okay naman yung product pero di ka sigurado. At alam mong may darating pang mas bago at mas high-tech. Stick to the later model ng Nokia na akala mong papalit sa N-series mo o hihintayin mong makita at dumating yung mga bagong units?

Siyempre wala ka namang magamit kaya nag-stick to the later model ka. Pero di mo maalis sa utak mo ang possibility na baka naman mas maganda kung naghintay ka nalang, kahit mas matagal mas high-tech naman. Kaya lang, ayaw mo rin namang idiscard yung later Nokia handset mo. Bakit? Kasi nandun na yung contacts mo ng 3 years, at ang mga tao alam na yun ang gamit mo. Sanay na sanay ka na ring gamitin yon, at halos araw-araw mo nang kasama. Alam mo na halos lahat ng features nya, at siyempre may sentimental value na rin. Iiwanan mo pa ba yun? Ipamimigay? Itatago? Maghahanap ka ba ng bago at iba? Alam mo namang gusto mo pa rin siya.

E kung bigla nagsasalita at may feelings naman pala yung handset model na yun.Sanay na rin daw siya sa’yo at nangangako siyang magiging useful parin siya all the days of your life. Bibigay ka ba sa sinasabi niya gayong alam mo namang may mas bago, maganda at high-tech kesa sa kanya at pwede ka rin niyang iwan someday?

Complications talaga oo. Pag mutual na ang isang samahan, mahirap nang bumack-out. Kumbaga, nakulong ka na. Stuck. Wlaa na. End of the world. Sus, ano nga ba? Eternal bliss o Forever suffering? Alin ba talaga? Ang gulo e. Wala kasing permanente. Walang sigurado. Meron pala. Yung fact na mawawala rin tayong lahat sa mundo. Sabagay, sa fact na yun, sinasabing walang matitira—in short, back sa point na walang permanente sa earth.

Sa huli, pagsisihan man ang pagbili sa cellphone na yon, o ang paghahangad mo sa lumang Neries, o ang mga bagong unit na naproduce at mas high-tech… wala ka nang magagawa kasi nabili mo na yun. Sayo na daw siya. Manakaw man o mawala yun, bahala na. Siguro, kung mawala nga, o iniwanan ka, may bago. Mas high tech. Mas magagamit. O finally, yung tutukuyin mong habangbuhay mo nang kasama. Iyon nalang siguro ang panghahawakan ko. Sa ngayon… stick to one muna.

No comments:

Post a Comment