Maingay. Magulo. Makulit. Para rin pala siyang yung average na lalaking nasa late teens or early twenties. Basta ganon. Hindi pala siya kasing tahimik sa unang tingin. Sobra palang makulit tong taong to. At tumatawa rin pala siya!
Sa classroom, bihira siyang umimik. Siguro emo to, yun ang una kong naisip. Marami siyang interes na hindi ko maintindihan at kinawi-weirdohan namin sa kanya. Nung una, hindi kami nag-uusap. Carry lang.
Tapos, nakuha ko ang atensyon nya dahil sa isang manga. Ayun. Mahilig din pala sa anime at manga ang mokong. Ayan, madalas na tuloy kaming nag-uusap bago mag-umpisa ang klase. Ayos rin naman pala siyang kausap. Hindi pala siya kasing scary na gaya ng iniisip ko. Okay, so medyo weird nga siya. Siguro katulad ko lang, kasi nga adik din… sa anime.
May mga panahong nagkakasama kami sa library para kumuha ng sandamakmak na readings. Sabi ko sa sarili ko, medyo didistansya muna ako sa kanya. Tutal, kakakilala lang namin e. Pero di ko yon nagawa. Siyempre, when you find another addict, you go together. Hehe. Parang ganun yong prinsipyo ko. So ayun kami at sabay nang kumain at nagkwentuhan, hanggang sa puntong masasabi mo nang magkaibigan na nga kami.
Kadalasan, mga tungkol sa buhay-buhay ang topic namin. Di naman ako gaanong naglilihim sa mga bagay sa buhay ko, kaya okay lang. Marami na rin kaming nalaman tungkol sa isa’t-isa. At ngayong sem, magkaklase nanaman kami. Mas madalas kaming nagkakasama kasi sinasamahan nya ako ng konti dahil nagpapalate siya. Tapos ako naman, nagka-cutting.
Kinukulit naman nya akong manlibre. Naku, di pwede sakin yon no. Kuripot nga ako. Hehe. Dinadramahan nya ako (siyempre fake!). Kinukulit. Naghahampasan na nga kami e. Pero kadalasan kung anu-ano rin trip namin. Ah basta, madami rin palang mapag-uusapan. Ayos naman. Sige lang, masaya rin e. :)
No comments:
Post a Comment