BLUE ang kulay ng buton nya sa gilid ng laptop ko. Kaso malaki ang problema kapag gusto ko siyang gamitin. Oo, nagkukulay asul nga yung buton, pero yung driver sa PC ko di naman mabasa. Unknown device daw, hmp. Kakainis. Kahit makailang uninstall ako e automatic naman siyang nag rere-install. Hmp ulit. Sobra na to. Kala ko pag maaayos este mapapagawa sa Acer ito ok na. Nareformat na ko’t lahat, wala parin. Hopeless na to.
Kanina, kagagaling ko lang sa Kaharian ng Kadiliman, este sa UP Diliman. Nilibot namin ng konti yon, ala tour bus. Sinariwa namin ulit ang mga building kung saan ako nag-aral noon… at kung saan ibinagsak ko ang mga subject ko don. Siyempre, makakalimutan ko ba naman yon? Lalo na yung building ng kahirapang mag-enroll—sa Melchor Hall. Hehe. Hanggang ngayon, hirap parin sila pagdating ng June, November o April. Haha. Bahala nga yang mga Eng’g people na yan.
Naalala ko lang yung me kinalaman sa isa kong post sa personal diary (little blue book) at sa isang post ko dito na me kinalaman sa spaghetti… napanaginipan ko yung taong yon at ang spaghetti long time ago. Aba’t nagkatotoo nga. Yun nga lang, di siya yung nagluluto (kumpara sa panaginip ko) pero at least nakain ko parin yung spaghetti both sa panaginip at sa katotohanan recently. Hehe. Astig. Thanks, MASA! Ang lupit ng Dream courses natin… special thanks to Dean Madame Auring for your teachings… and not teaching. Whatever. Si JM parin ang top notch student. :)
No comments:
Post a Comment