Thursday, January 15, 2009

Salang-sala sa Lamig

Grabe kanina. Habang palabas ako sa room 301, damang-dama ko nang mas malamig pa pala sa labas. Siguro dahil isang aircon lang ang binuksan ni Ma’am Cuaresma kaya medyo mainit pa ang temperatura sa room. Sa labas, di mo na makokontrol ang “nature’s air conditioning unit”.


Pagpasok namin ng mga kaklase ko sa 131 na kaklase ko ulit sa 108, ang ginaw. Aba’t binuksan pa ng mga tao sa loob ng non-aircon classroom ang mga ceiling fan! Nangingisay na kami ni Chuks. “Pwede bang patayin ko na tong fan na to?” tanong nya sakin. “Sige lang!” nanginginig kong sinabi. Dali-dali siyang sumingit sa mga paparating na tao para patayin na yung ceiling fan.


Sa bawat pag-ihip ng hangin sa pinto, may malamig na hanging papasok sa classroom. Balak ko sana ipasara yun. E kaso nakaharang na yung upuan ni Edwin. Wag na nga lang. Sige, kahit anong pose nalang para maging mainit. Hirap magconcentrate sa lesson. Iihip pa yung hangin. Lalong lalamig. Lalakas pa yan, o. Hala. QUIZ! Quiz ba?!


Biglaan yun. Lalong lumamig ang paligid ko. Haha. Wala yatang nakikinig e. Ayun. 10 items lang naman. Pasado parin. Kaso mababawasan siguro yan, tawa nalang. Hayan, sige. 11:25. Yes. 11:25 na. Sibat na. Ang lamig! Assignment? Ay oo, meron nga pala! Sige sa labas muna ako ng 201. Sulat. Lamiiig. Sulat pa.


Dumating si Albert. “Ano nga ba gagawin sa assignment diyan?” tanong nya. “Isusulat yung subprocess, kung formulation, implementation…” sagot ko. Ay! Di nya rin nagawa? Sige sulat lang.


Umalis na mga tao sa 201. Pasok kami. Lameeeeeeg. Aw. Mas malamig pa sa 308. Haha. Sige na nga, lesson nalang. Hmn. Konti tao. Nauubos na raw kami. 17 na nga lang kami e wala pa yung iba. Ay late lang pala… 12:50 na! Yesh. Cutting. Corn and Crab soup. Food. Heat. Mall…? LAMIG.

No comments:

Post a Comment