Ilang beses ko man wag isiping siya lang ang dahilan ng pagpunta ko e hindi ko mapigilan. Alam kong hindi naman talaga siya e. Siyempre, nakagawian ko na rin ang Sunday 9:30 Service sa simbahan at me religious side din naman ako. Kaya lang talaga, gaya nga ng sinabi ko, naiisip ko siya palagi. Pampanira ba ng solemnity ng Linggo ko ang pagkawala o presensya nya? Kasi naman yung taong yon, lulubog-lilitaw. Kulay palitaw. Ang puti niya kasi. Hehe.
Nung isang linggo, pinagtalunan pa namin ni mama kung siya nga yung lalaking nasa me front pew. Tas sabi ko, hindi, kasi medyo kayumanggi yung guy at di spiky yung buhok. Tapos ipinilit niya. Inobserbahan ko pa. Hindi talaga, kasi yung frame ng salamin (glasses) nung guy e makapal (sa katitingin ko ba naman dun sa original edi ko pa makabisa yung kaliit-liitang detalyeng yon!). Haha. Natawa nalang ako nung nalaman kong tama nga ako. Kabisado ko talaga ang looks nya.
Anyway, sana bukas nandon din siya kasi medyo naaapektuhan ng pagpapakita nya ang mood ko. Haha. Happy. :D
No comments:
Post a Comment