Kanina, nagkaroon kami ng maikling pananatili sa SM Megamall dahil nanood nga kami ng sine at naglakwatsa, pati bumili rin ng kung anu-anong makakain. Pagkarating namin nahanap kagad namin yung mga kasama sa paggala, na di nagtagal e humiwalay rin sa amin. Tapos nun kinatagpo namin yung kaklase ko, at dun sa French Baker naganap ang aming transaksyon—ng mga anime DVDs. Ayos naman kasi nakuha ko yung case na may mga favoried oldies ko, gaya ng Evangelion. Natutuwa ako dahil pinahiram nya ako. :) Di man lang ako nakapagpasalamat.
Tapos ayun na nga nagkakilala na silang lahat at siyempre naipakita ko na rin sa kanya ang ilang katotohan sa mga naikuwento ko. Tapos nung nakalingap yung isa, nag-usap kami ni klasmeyt. Sabi nya, masyado raw mabait para sakin yung kasama ko. At tinawanan pa nya ako. Sabay amin din niyang hindi niya maintindihan ang pinanggagalingan nung mga hinain ko noon. Tapos, sabi pa niya, inaantagonize ko pa siya. Ngek. Sabi ko, di naman e. Sabay ayun bumalik siya na me dalang shiny coins na 5. Natuwa yung kaklase ko tas nagpalitan sila.
Supermarket ang susunod naming tinira. Ok naman. Maraming nabiling pang pagkain. Ang lamig don. Gamit na gamit yung jacket. Haha. Umalis din pagkatapos nun yung kaklase ko tapos kami diretso na sa sinehan. Maganda yung pelikulang Bride Wars. Ang ganda ng kwento, pati yung inasahan kong twist na si Emma ay makakatuluyan yung kapatid ni Liv. Hehe.
Ayos naman tong araw na to, basta kelangan ko lang naman sigurong mapanuod lahat ng nahiram ko bago matapos ang Marso. Kasi, bakasyon na. :)
No comments:
Post a Comment